Advertisers

Advertisers

Sara Duterte impeachment trial: Tagumpay ng mamamayang hanap ay katarungan

0 5

Advertisers

Umpisa noon nakaraang lunes, ika-6 ng Hulyo taong ito, natupad ang matagal nang inaasahan Impeachment Trial ni Sara Duterte, ang ikalawang pangulo ng bansa. Maraming salamat sa Kamara de Representantes ng mababang kapulungan ng Kongreso. Maraming salamat sa taumbayan na sa hinaba-haba ng panahong sila’y naghahanap ng tunay na katarungan nakita na ang pagasa na maaring magpahupa ng kanilang pagkadismaya at ngitngit sa mga anumalyang kinasangkutan ng pagkakalustay ng kabang yaman ng bansa ng isang mataas na opisyal ng bansa.

Sa unang araw, nabanaagan ng madla sa live stream TV coverages ng pagdinig sa Senado na binungaran ng paunang salita ni Rep. Gerville Jinky Luistro ng ika 2 distrito ng Batangas. Maliwanag ang pahayag niya na ang prosesong ito ang daan para sa taumbayan na humingi ng paglilitiis ni Duterte, na siya ay madinig at ipagtanggol ang sarili sa umano’y apat na artikulo na paglabag sa Konstitusyon, pagbabanta sa buhay ng Pangulo ng bansa at kanyang pamilya at Speaker of the House of Representatives, pagmamalabis sa tiwala ng mamamayan at di maipaliwanag na paggamit ng pondo ng bayan.

Ang ikalawang araw ay kinakitaan ng pagpiprisinta ni Private Prosecution lawyer Atty Armand Ligutan kay NBI Agent Calilung na siya umanong naatasang magimbestiga ng napaulat na banta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Romualdez Jr, kay First Lady Liza Marcos at HoR Speaker Martin Romualdez. Isang bonafide, competent NBI investigator si Calilung at maliwanag nyang nailatag ang punot dulo ng video reel kung saan si Duterte ay nakita at naringgang nagbanta sa buhay ni BBM at kung sakaling may mangyari sa kanya; na siya ay may nakontak na umanong “hitman” !

Maliwanag ang salaysay ni Calilung — na kahit ang isang di-abugado ay nakakaintindi ng tagumpay ng prosecution team ni Rep. Jinky Luistro at mandin, ito ay umani ng mga papuri ng maraming legal luminary sa socmed, pati na mga political analysts na tutok sa pagdinig na ito ng taon.

Ang ikatlong araw ay nakakitaan ng pagpapalabas naman ng defense team na pinangunahan ni Atty Sison ng isang video reel kung saan ang Chief of Staff ni VP Sara Duterte na si Atty Zuleika Lopez ay makikitang humahagulgol na kung bakit ito ay ipinrisinta ni Atty Narvasa, ay hindi maintindihan ng maraming nakasunod sa Senate trial ang kinalaman sa tinatalakay na banta sa buhay ng Pangulong BBM? Kung ano man ang kahalagahan ng parteng ito … malabo sa pagkakaintindi ng marami.

Ang recap na nalalahad sa mga news releases ng bawat panig ay natural pabor sa bawat isa…ngunit sa mga masugid at walang puknat ang pagtutok sa impeachment case na ito ni Sara Duterte…umpisa pa lang ito. “Their best has yet to come and be shown!” – Koyang.