Advertisers
HINOLDAP at pinagsamantalahan sa loob ng sasakyan ang 30-anyos na babae ng isang lalaki na nagpakilalang pulis sa Angeles, Pampanga.
Sinabi ng biktima na naka-park ang kaniyang sasakyan sa parking area ng isang hotel nang lapitan siya ng lalaki. Tinutukan siya ng baril, pinaupo sa passenger seat, at pinaandar ang sasakyan.
Itinigil ng lalaki ang sasakyan sa isang bakanteng lote kungsaan naganap ang pang-aabuso.
Kinuha rin ng lalaki ang cellphone at P13,000 cash ng biktima.
Kinalaunan, ibinalik ng lalaki ang sasakyan sa parking area habang nasa loob pa ang biktima. May nakakita sa kaniya at agad siyang tinulu-ngan.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at pagtugis sa sa-larin.