Advertisers

Advertisers

14 KOREANS NA SANGKOT SA ILLEGAL BACK-OFFICE OPERATIONS, ARESTADO SA BI

0 3

Advertisers

DINAKIP ng Bureau of Immigration (BI) ang 14 na South Korean nationals na diumano ay sangkot sa iligal na trabaho, sa isang intelligence operation sa Angeles City, Pampanga.

Ang operation ay isinagawa ng BI Intelligence Division- Special Response Team (ID-SRT), kung saan naaresto ang 13 lalaking Korean at isang babaeng Korean na nago-operate diumano ng illegal back-office facility.

Ayon kay Intelligence Division chief Fortunato Manahan, Jr., ang operation ay nag-ugat sa intelligence reports ukol sa Korean nationals na nagta-trabaho nang iligal sa isang condominium complex sa Barangay Pampang, Angeles City.

Agad na nagtungo ang BI operatives sa nasabing lugar at doon natagpuan ang 14 Korean nationals sa aktong nagpapatakbo ng back-office operation.

Sila ay isinailalim sa immigration verification at documentation matapos mapatunayang iligal na nagta-trabaho.

Napag-alaman kay Manahan na ang 14 nasabing Korean nationals ay dinala saBI Main Office para sa booking, biometric registration, records verification atd appropriate immigration proceedings. (JERRY S. TAN)