Advertisers

Advertisers

3 PATAY, 4 SUGATAN SA AMBUSH

0 3

Advertisers

NASAWI ang tatlo katao at apat ang sugatan kabilang ang isang menor de edad sa magkasunod na pananambang sa loob lamang ng pitong oras sa Cotabato City nitong Sabado.
Sa unang insidente sa Barangay Rosary Heights 11, agad nasawi ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.
Kinilala ang mga biktima na sina Ibrahim Miya at Aldren Karisio Keda. Nasugatan naman ang tatlong babaeng kasama nilang sina Johaira Mohammad, Leisith Tan, at Clarizze Tubilan na kaagad na isinugod sa pagamutan.
Batay sa paunang imbestigasyon, inabangan ng armadong grupo at pinaputukan gamit ang matataas na kalibre ng baril habang binabaybay ng mga biktima ang kanilang ruta.
Makalipas ang pitong oras, isa na namang motorista ang napatay sa hiwalay na ambush sa LR Sebastian area, Barangay Rosary Heights 10.
Kinilala ang biktima na si Surraff Kadir Pasandalan, residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Sugatan sa naturang insidente ang kanyang 16-anyos na anak na lalaki na kasama niyang sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin sila ng mga armadong lalaking nakaabang sa kanilang daraanan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Cotabato City Police Office sa krimen.