Advertisers
NAGKA-ARREST warrant lang itong si Senador Rodante Marcoleta ay naglabasan na ang mga sakit kuno. Sakit na para sa aming mahihirap ay kagat lang ng langgam.
Oo! Mag-isang buwan na simula nang maisyuhan ng arrest warrant si Marcoleta ay hindi parin ito naipapasok sa selda. Kinakitaan daw kasi ito ng iba’t ibang sakit, ayon sa duktor na pulis na tumitingin sa kanya.
Hindi kaya kapatid sa pananampalataya ni Marcoleta ang naturang duktor? Nagtatanong lang po!
Pero sabi ng duktor, tatapusin nalang ng Senador ang pag-inom ng anti-biotics bago dalhin sa kulungan, kungsaan makakasama niya ang mga co-accused niyang sina ex-Congressman Mike Defensor at dalawa pang negosyante na nagbigay sa kanya ng “gifft” na P75 million noong 2022 election campaign period.
Bale dalawang warrants ang inisyu kina Marcoleta at Defensor. Isa para sa paglabag sa Presidential Decree No. 46, sa pagtanggap ng regalo habang nasa puwesto bilang congressman. At ang isa ay Plunder sa tinanggap na P75 million. Pareho ito non-bailable crimes. Nakarma ang mga mokong!
***
Nagbitiw na sa puwesto si Dr. Teodoro Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DoH). Ang rason, hindi na raw kaya ng kanyang katawang lupa. Palusot nalang ito! Hehehe…
Overdue na ang pagbaba na ito ni Herbosa. Matagal na siyang pinanawagan bumaba sa puwesto dahil sa mga isyu ng katiwalian.
Ang kanyang pag-resign ay makabubuti sa DoH.
***
Kung fake news man ito, sana hindi.
Binasura raw ng gobierno ng Austria ang hirit na ASYLUM ni dating Presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Si Roque, na binawian ng pasaporte ng Pilipinas, ay wanted sa Pilipinas sa kasong human trafficking. No bail ito. Kasalukuyan siyang nagtatago sa Austria.
Kung na-deny ang hirit niyang asylum sa Austria, palalayasin siya roon, o ipa-deport siya pabalik sa Pinas.
Naghihintay ang BJMP kay Roque.
***
Mainit na usapin ang SALN sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio.
Alam n’yo ba, mga pare’t mare, ang ama ni Sara na si ex-President Digong Duterte ay never nag-release ng kanyang SALN sa publiko simula 2018 hanggang sa matapos ang kanyang termino noong 2022. Limang taon niyang itinago ang kanyang SALN, nagbingi-bingihan sa panawagan ng mamamayang gustong makita ang kanyang bank accounts at mga ari-arian.
Ganito rin ang ginagawa ngayon ni Sara. Pilit itinatago ang kanyang SALN. Tapos nagdadakdak kontra korapsyon. Pwe!