Advertisers
Magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ng mga pansamantalang pagbabago sa drop off lane para sa mga pasahero upang magbigay-daan sa paglalagay ng canopy sa gilid ng terminal.
Sa isang abiso na inilabas noong Linggo, sinabi ng NAIA na ang mga pansamantalang pagbabago ay magkakabisa sa Hulyo 15 hanggang Agosto 14, mula 9 p.m. hanggang 4 a.m.
Ayon sa NAIA, maaaring ibaba ang mga pasahero sa kaliwang lane dahil ang kanang lane ay isasara sa mga sasakyan.
Sa mga oras na ito, pansamantalang isasara ang inner departure lane. Magpapatuloy ang pagbaba ng mga pasahero sa mga natitirang lane,” ayon sa advisory.
“Kung titindi ang trapiko, maaari ring ibaba ang mga paalis na pasahero sa Arrival Bays 1 at 8, pagkatapos ay gamitin ang pinakamalapit na elevator para makarating sa mga check-in counter,” dagdag ng NAIA.
Sinabi ng NAIA na magkakaroon ng mga traffic marshal at directional sign para tulungan ang mga motorista at pasahero. (JOJO SADIWA)