Advertisers

Advertisers

MMDA, pansamantalang inalis sa clearing ops si Gabriel Go dahil sa sinitang titser

0 8

Advertisers

PANSAMANTALANG inalis ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga clearing operations si MMDA Special Operations Group-Task Force Road Clearing (SOG-TFRC) chief Gabriel Go, habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng kaniyang umano’y pagka-kasangkot sa isang viral video.

Sa pahayag na inilabas ng MMDA nitong Hulyo 15, sinabi ng ahensya na nakarating na sa kanilang kaalaman ang kumakalat na video na kinasasangkutan ni Go.

Ang naturang video ay may kaugnayan sa umano’y paraan ng pagsita niya sa isang lalaking guro na nagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet.



Ayon sa MMDA, nakatanggap na rin sila ng mga liham mula sa iba’t ibang grupo hinggil sa insidente.

Sinabi ng ahensya na nagsasagawa na ito ng pormal na imbestigasyon upang matukoy kung may pananagutan si Go sa nangyari.



Binigyan na rin siya ng show cause order na nag-uutos sa kaniya na magsumite ng paliwanag kaugnay ng insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">