House prosecution team kumpiyansa malakas ang mga ebidensya sa usapin sa maling paggamit ni VP Sara ng confi funds
Advertisers
NANINIWALA ang House prosecution team na malakas ang kanilang ebidensya para patunayan ang unang article of impeachment patungkol sa umano’y iregular at maling paggamit ni Vice President Sara Duterte ng P612.5-Million na confidential funds.
Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, inaasahang sa July 22 ay masisimulan na nilang magpresenta sa impeachment trial ng mga testigo at ebidensya kaugnay sa nabanggit na alegasyong nakapaloob sa impeachment case ni VP Sara.
Diin ni Luistro, katulad sa unang article of impeachment, sila ay handang handa rin na magpresenta ng matitibay na ebidensya na magpapatunay sa “systematic misuse, misappropriation, at irregular disbursement” ng confidential funds ng mga tanggapan ni VP Sara.
Binubuo ito ng P500 million na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at P112.5 million na confidential funds ng Department of Education (DepEd) sa panahong si VP Sara ang kalihim nito.