Advertisers

Advertisers

Cayetano, sumagot na sa obstruction of justice complaint kaugnay ng pagtakas ni Bato

0 8

Advertisers

KINUMPIRMA ng Office of the Ombudsman na sumagot na si Senador Alan Peter Cayetano sa inihaing obstruction of justice laban sa kaniya kaugnay ng pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa mula sa Senado noong madaling-araw ng Mayo 14, 2026.

Ayon sa Ombudsman, natanggap na nito ang kontra-salaysay ni Cayetano nitong Miyerkules, Hulyo 15 bilang tugon sa complaint-affidavit na inihain ng Tindig Pilipinas noong Hunyo 3.

Sa isang pahayag, sinabi ng anti-graft body na ang counter-affidavit ng senador ay tugon sa nagpapatuloy na preliminary investigation sa reklamong inihain ng mga miyembro ng civil society.



Maliban kay Cayetano, kabilang pa sa mga respondent sa reklamo sina Senador Robin Padilla at nasibak na si Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">