Advertisers
IKINALUGOD umano ni Partido Demokratiko Pilipino (PDP) National Deputy Spokesman Atty. Ferdinand Topacio ang pagbasura ng tatlong reklamong inihain laban sa kanya ng aktres na si Jasmine Casandra Curtis-Smith, kapatid ng showbiz personality na si Anne Curtis.
Si Topacio ay na-clear dahil ayon sa ruling, “there was insufficient evidence to establish probable cause.”
Nabigo umanong ipakita ng ebidensiya na ang mga pahayag ni Topacio na pingbatayan ng demanda ay nakapag-terrorized, naka- intimidate o may layuning makalikha ng psychological harm sa complainant.
Na-dismiss sa 12-pahinang resolution ng Makati City Prosecutor’s Office ang cyberlibel, cyber unjust vexation at gender-based online sexual harassment na nag-ugat sa mga pahayag ni Topacio sa kanyang radio program noong March 5, 2026. Ayon sa reklamo, ang ‘derogatory statements’ umano ni Topacio ay nakasira sa kanyang reputasyon.
Sa kanyang counter-affidavit ay ikinaila ni Topacio na may nagawa siyang krimen at ginawa niya umano ang pahayag sa konteksto ng political commentary. Protektado umano ng freedom of expression at ‘constituted fair comment on matters of public interest’ ang kanyang mga pahayag.
Inayunan ito sa resolution, na nagsabing ang mga pahayag ni Topacio ay protektado sa ilalim ng “doctrine of qualified privileged communication because they involved commentary on a public figure and matters of public concern.”
Wala din umanong sapat na ebidensiya ukol sa reklamong cyber unjust vexation at wala ding prima facie evidence ukol sa reklamong gender-based online sexual harassment sa ilalim ng Republic Act 11313 o Safe Spaces Act. (JERRY S. TAN)