Advertisers

Advertisers

Konsehal binaril-patay sa day 1 ng gun ban sa BARMM

0 3

Advertisers

NASAWI ang isang konsehal ng Kadayangan, Special Geographic Area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nang barilin habang hinihintay ang asawa na bumibili ng gamot sa isang botika sa Midsayap, Cotabato, Huwebes ng hapon.
Binawian ng buhay sa pagamutan si Nasser A. Dalandang, 37, konsehal ng bayan ng Kadayangan.
Sa report, 3:00 ng hapon nangyari ang pamamaril sa national highway sa Barangay Salunayan, Midsayap.
Nakatayo ang biktima sa gilid ng sasakyan sa gilid ng kalsada habang hinihintay ang asawa na bumibili ng gamot sa isang botika nang lapitan ng dalawang lalaki at agad pinaptukan sa iba’t- ibang bahagi ng katawan.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa Ma-lingao, SGA-BARMM.
Isinugod sa pagamutan ang biktima nguni’t bina-wian ito ng buhay habang nilala-patan ng lunas sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Narekober ng mga otoridad ang basyo ng caliber .45 pistol sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.
Ang insidente ay naganap sa unang araw ng pagpapatupad ng COMELEC Gun Ban kaugnay ng nala-lapit na kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.(Mark Obleada)