Advertisers

Advertisers

Tatakbo na yan!

0 8

Advertisers

Taong-bayan : “Tatakbo na yan, tatakbo na yan!”

Leni Robredo: “Sorry po hindi nakatakbo ngayon pero mayroon pang mga susunod.

Magkakaroon po sa Naga para sa Luzon Leg sa 16th ng Agosto. Susundan ng sa Iloilo October 18 para sa edisyon sa Visayas. Ang sa Mindanao na Nov 29 sa GenSan.”

Yan ang eksena noong Linggo nang umaga sa sa ginawang Angat Bayanihan Run sa Ayala Triangle sa Makati.

Mga sampung libo katao ang lumahok sa patakbo ng Angat Buhay na sinimulan ni Robredo bilang proyekto ng Office of the Vice President noong 2016. Ganap na naging NGO taong 2022 kaya sampung taon na ang organisasyon.

Sumali ang mga mamamayan sa 10k, 5k, 3k at 1k bilang pagdiriwang ng bayanihan spirit ng mga Pilipino.

Nagdagdag pa ng pet dog na kategorya.

Ang lahat ng nalikom na pondo mula sa mga runner at sponsor ay gagastusin sa mga programa ng Angat Buhay sa edulasypn, kabuhayan, kalusugan at iba pa.

Tuwang-tuwa si Raffy Magno sa response ng tao sa kauna-unahang fun run nila kaya magdaraos pa ng ibang takbuhan na mas malaki at malawak ang sakop.

“Pasensya na po at limitado ang pwede sumali dito sa Makati, subok lang kasi ito, pangako higit na marami ang maaaring sumali sa mga susunod, ” wika ni Magno.

8 libo ang slot para sa general public at 2 libo para sa mga tagapagtaguyod at mga panauhin.

Ayon naman kay Ka Berong ay maigi na iikot si Leni sa buong bansa para mapulsuhan niya ang gusto ng mga kababayan.

Kahit ayaw aminin ng kanyang kampo ay malamang ay bumigay na ang biyuda ni Jesse Robredo sa panawagan ng mga Pinoy sa kanya na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028.

***

Sa pagwawagi ng Spain kontra sa Argentina ay nakamit nila ang ikalawang titulo sa FIFA World Cup.

Yung una ay taong 2010.

Panalo dito ang colonizer. Matagal na sakop ng España ang katunggali na bahagi ng Latin America.

Nabigo naman sina Lionel Messi na mag-back to back. Wala pa nakaulit ng dalawang sunod mula nang maging hari dito ang Brazil noong 1958 at 1962.

Ito ending ng quadrennial na event na ginanap sa tatlong bansa sa unang pagkakataon. Ang mga laro ay idinaos sa Estados Unidos, Mexico at Canada at nilahukan ng 48 na nasyon.

***

Kung basketball game ang impeachment trial sa Senado ay lamang sa puntos ang prosecution team ayon kay Pepeng Kirat.

Kayo ano sa palagay ninyo?