Advertisers

Advertisers

Ngitngit ni Lacson kay Cayetano, gigisahin sa ghost project

0 6,213

Advertisers

DETERMINADO na si Senador “Ping” Lacson na kalkalin ang “baho” ni Sen. Alan Peter Cayetano sa Taguig City.
Maging si Sen. Erwin Tulfo ay nagngitngit na kay Cayetano.  Gagawin aniyang testigo ang kapatid ni Alan na si Lino na siyang nanawagan na imbestigahan ang ghost projects sa kanilang lungsod.
Diin ni Ping: “We already have documentary evidence. Cayetano belongs in Quezon City Jail. We have already identified his bagman and are in contact with intermediaries and contractors willing tistestify.”
Say pa ni Ping, maraming flood control projects sa Taguig na sa papel lang makikita.
At matindi raw itong si Alan. Hanggang 25 percent ang kinukuhang SOP sa kanyang flood control projects. Mismong ang kontraktor daw nito ang nagsabi, at handang mag-testify kapag ipinatawag.
Natukoy rin daw ni Lacson ang “bagman” ni Cayetano. Yari!
Lahat nang ito ay ibubunyag daw niya sa Blue Ribbon investigation.
Kaabang-abang ito!
Aprub naman kay Ombudsman “Boying” Remulla ang pagkalkal sa “ghost projects” sa Taguig at sa umano’y multi-billion anomaly sa pondo ng 2019 SEA Games na ginanap sa bansa. Aray ko!
‘Pag minalas-malas mauuna pang mawawala si Cayetano sa puwesto kesa kay Vice President Sara Duterte-Carpio Mismo!
Pumasok rin dito si DPWH Secretary Vince Dizon. Aniya, kasalukuyan na nilang binubusisi ang alegasyon ni Lacson na karamihan ng flood control projects sa Taguig na umuugnay kay Cayetano ay “ghost projects”.
Actually, ang utol ni Alan na si Lino ang unang nanawagan na imbestigahan ang flood control projects sa Taguig na may kinalaman ang kanyang kuya.
Dugo sa dugo na ito.
Tingin ko magiging kakosa na talaga nila Senador Jinggoy Estrada, Sen. Rodante Marcoleta, ex-Sen. Bong Revilla, at ex-Congressman Mike Defensor si Alan. Peks man!
***
Hindi nagbigay ng kanyang counter affidavit sa kasong ‘obstruction of justice’ sa Ombudsman si Sen. Robin Padilla, ayon kay Ombudsman Boying Remulla.
Ang co-accused ni Padilla na sina Sen. Cayetano at dating Senate security chief na si Mao Aplasca ay nagsumite ng kanilang counter affidavit.
Sa ginawang ito ni Padilla, magiging madali para sa Ombudsman ang isyuhan siya ng warrant of arrest.
Ito’y kaugnay ng pagtakas ni Padilla kay Sen. Bato dela Rosa mula sa custody ng Senado noong Mayo 14 ng umaga.
Inamin ni Padilla na isinakay niya sa kanyang sasakyan si  Dela Rosa at ibinaba raw niya sa Makati City.
Si Dela Rosa ay may arrest warrant mula sa International Criminal Court bilang co-perpetrators sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulo Digong Duterte.
Ang obstruction of justice ay bailable. Subaybayan!