Advertisers
KINUMPIRMA ng Land Transportation Office (LTO) na hindi rehistrado ang da-lawang bus na may larawan ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson kaya agad itong in-impound.
Ayon sa LTO, naharang ang dalawang bus Hulyo 19 habang patungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Napansin ng mga awtoridad na gumagamit ang mga ito ng improvised na plaka at bumiyahe kahit hindi rehistrado.
Sinabi ni LTO Assistant Secretary Markus Lacanilao na hindi mahalaga kung sino ang may-ari ng sasakyan, kundi kung sumusunod ito sa batas. Aniya, walang espe-syal na pagtrato sa sinumang lalabag sa batas trapiko.
Hindi direktang pina-ngalanan ng LTO ang politiko, ngunit kapansin-pansin na nakalagay ang mukha ni Chavit Singson sa dalawang bus.