Advertisers
By Anne Venancio
Ibinahagi ng comedian na si Jayson Gainza ang kanyang reaksiyon matapos makatanggap ng Meralco bill na nagkakahalaga ng P17,845.79 para sa buwan ng Hunyo.
Sa kanyang social media post noong Hunyo 28, tinanong ni Jayson ang Meralco kung paano umabot sa ganoong halaga ang kanilang singil sa kuryente.
Ayon sa komedyante, wala silang laundry shop, talyer, o iba pang negosyo na maaaring magdulot ng mataas na konsumo ng kuryente.
“Dear @meralcoph, kami po ay walang laundry shop, wala din po kaming talyer at lalong-lalo na wala kaming apat na swimming pool. Paki-explain paano n’yo ito na-compute nang ganito kalaki,” pahayag ni Jayson.
Dagdag pa niya, nagbiro rin siya tungkol sa posibilidad ng paggamit ng solar energy upang mapababa ang kanilang bill.
“Baka naman pag nag-solar kami maging ?12K na lang kuryente namin,” saad niya.
Umani ng iba’t ibang reaksiyon ang post ni Jayson, kung saan ilang netizens ang nagbahagi rin ng kanilang karanasan tungkol sa mataas na singil sa kuryente.
Samantala, ayon sa Meralco, ang distribution charge na napupunta sa kumpanya ay bahagi lamang ng kabuuang bayarin. Kabilang din sa bill ang generation charge, transmission charge, buwis, at iba pang singil.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Meralco kaugnay ng reklamo ni Jayson Gainza