Advertisers
By ROMMEL PLACENTE
Muli naming napanood ang bandang InnerVoices nang mag-perform sila sa Hard Rock Café Makati kamakailan.
As usual, humanga muli kami sa kanila dahil sa husay nilang tumugtog, at sa galing sa pagkanta ng kanilang lead vocalist na si Patrick Marcelino.
Kinanta ni Patrick ang ilan sa mga songs nila gaya ng Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan, Saksi Ang Mga Tala at Isasayaw Kita.
Hindi rin nawala sa repertoire nila ang mga danceable hit songs noong 80’s gaya ng Take On Me, Footloose, Everybody Wants To Rule The World,at iba pa.
Syempre pa, may OPM songs din sila gaya ng ‘Di Bale Na Lang, na pinasikat ni Gary Valenciano.
Si Atty. Rey Bergado, na siyang founder at keyboardist ng InnerVoices ang unang kumanta muna ng unang part ng song, bago itinuloy ito ni Patrick.
In fairness, bukod sa magaling na keyboardist ay mahusay ding kumanta si Atty. Rey.
Sa pakikipag-chikahan namin sa InnerVoices, sinabi ni Atty Rey na hindi naman daw talaga sila tumigil sa pagtutugtog. Naging busy lang daw muna sila sa ibang mga bagay, lalo na siya na nag-focus muna sa kanyang pamilya, sa pagiging abogado, at bilang isang businessman.
Nakapamasyal na rin daw siya. Napuntahan na raw niya ‘yung mga lugar na hindi niya napupuntahan before.
Sabi ni Atty. Rey.“Yung mga hindi ko napupuntahan kapag Saturday na tumutugtog ako, napuntahan ko silang lahat.
“’Yung mga old friends na hindi ko napupuntahan, family ko na hindi ko napupuntahan,naisa-isa ko sila. So nu’ng naubos ko na silang lahat,tinawagan ko na ulit sila (InnverVoices,”aniya pa.
Sinigurado naman ni Atty. Rey na masusundan ang kanilang gig.
“Hindi naman kami nawala, eh. It’s just that,siguro, hindi lang namin kaya ‘yung regular. Nagkikita naman kami palagi, kahit walang tugtog.”
“There certainly will be another one. Ang tanong lang kung kelan, hindi ko masagot. Abang-abang lang,”aniya pa
Sa tanong kung sino ang gusto nilang maka-collab, ang sagot nila ay si Gary Valenciano at Sharon Cuneta.
Bukod kina Atty. Rey at Patrick, ang ilan pa sa members ng InnerVoices ay sina
Rene Tecson (lead guitar),Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboard & vocals), at Joseph Esparrago (drums, percussion, at vocals).