Advertisers

Advertisers

Jackie mas bagay kay Brent kesa Darren

0 4

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Marami ang kinikilig noon sa tambalan nina Darren Espanto at Jackie Gonzaga na nabuo sa kanilang noontime show.

Katunayan , si Vice Ganda noon ay isa sa mga nagshi-ship sa dalawa.

Pero sa pagpasok ni Brent Manalo bilang isa sa hosts ng nasabing show, nabago ang equation.

Kakaiba rin kasi ang kilig ng tambalan nina Brent at Jackie girl kapag sila na ang hayagang naglalambingan o nagbabatuhan ng linya sa ere.

Hirit tuloy ng kibitzers, may tulog daw si Darren kay Brent sa atensyon ni Jackie.

Sey pa ng ilang katekatera at sawsawera, mas bagay daw ang tambalang Brent-Jackie kesa Darren-Jackie.

Ito ang ilan sa mga hirit ng kibitzers.

“Hahaha.Ba’t ako kinikilig.Bagay sila.”
“True. Mas bagay ang JackBrent kesa JackRen.”
“Ang laki ng character development ni Brent.I did not know na ganoon pala siya kakwela.”
“Team Jackie-Darren pa rin ako.”
“Bagay sila.So, babu na si Brent kay Mika.”
“Mas naging madulas ang dila ni Brent nang pumasok siya sa Showtime.”
“Ako, mas bet ko ang BL nina Brent at Darren.Hahaha.”
“Ang haba naman ng hair ni Jackie.Pinag-aagawan siya nina Darren at Brent.Charoz.”
“Love triangle in the making.”