Advertisers

Advertisers

Senior Citizens Partylist, Top 7 na pinagkakatiwalaan at top performing partylist sa Pinas

0 7

Advertisers

Hinirang bilang Top 7 most trusted at top-performing partylist organizations sa buong bansa ang Senior Citizens Partylist na kinakatawan ni Rep. Rodolfo Ompong Ordanes sa pinaka huling RPMD Foundation Inc. “Boses ng Bayan” Partylist Governance Assessment.

Sa pangunguna ni Rep. Ordanes nagtala ang Senior Citizens Partylist ng 62.0% Index of Governance (IOG) na sumasalamin sa tiwala at positibong pagsusuri ng mga Pilipino kaugnay sa pamantayan ng paglilingkod.

Pinasalamatan naman ni Rep. Ordanes ang nagdaang magandang assessment na nagpapatunay lamang ng walang humpay at pinalawak na pagseserbisyo ng Senior Citizens Partylist para sa sektor ng mga nakatatanda at sa mamamayang Pilipino.

“Isang malaking karangalan, tagumpay at inspirasyon para sa Senior Citizens Partylist ang makabilang sa Top 7 Most Trusted and Top-Performing Party-List Organizations sa pinakahuling RPMD Foundation Inc. “Boses ng Bayan” Party-List Governance Assessment,” pahayag ni Rep. Ordanes.

Aniya, ito ay sumasalamin sa buong tiwala at positibong pagsusuri ng mga Pilipino sa aming paglilingkod,” saad pa ni Rep. Ordanes.

Naniniwala si Rep. Ordanes na ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap na isulong ang kapakanan ng hanay ng mga senior citizens sa pamamagitan ng kanyang pagsusulong ng mga napapanahon at angkop na batas, programang pangkalusugan, social pension, medical outreach, at iba pang serbisyong tunay na may malasakit sa mamamayan.

Kasunod nito, lubos din pinasalamatan ni Rep. Ordanes ang bawat senior citizens, volunteers, partner organizations gayundin ang lahat ng patuloy na naniniwala, nagtitiwala at sumusuporta sa adbokasiya ng Senior Citizens Partylist.

“Ang inyong tiwala ang aming inspirasyon upang higit pang pagbutihin ang aming paglilingkod,” wika pa ni Rep. Ordanes.

“Makakaasa kayo na patuloy nating ipaglalaban ang karapatan, dignidad, at mas magandang kalidad ng buhay ng bawat nakatatandang Pilipino,” dagdag pa ng mambabatas.