Advertisers
By Anne Venancio
Hindi man sila nagkatuluyan bilang magkasintahan, pinatunayan nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na posible pa ring maging mabuting magulang para sa kanilang anak na si Ellie.
Sa panayam kay Karen Davila, ibinahagi ni Andi na maayos ang kanilang co-parenting setup kahit hindi ito madalas makita ng publiko sa social media. Aniya, mas mahalaga sa kanila ang kapakanan ni Ellie kaysa anumang personal na pagkakaiba nila noon.
Aminado rin ang aktres na mas challenging na ngayon ang pagiging magulang dahil teenager na si Ellie at papasok na sa Grade 9. Nagpapasalamat siya na pareho silang committed ni Jake sa pagpapalaki sa kanilang anak.
Ayon kay Andi, maayos ang relasyon nila ni Jake bilang co-parents sa pagpapalaki sa kanilang anak na si Ellie.
“We’re okay. We have a really good co-parenting relationship, and I’m so grateful to have him as my partner in raising Ellie,” ani Andi.
Dagdag pa niya, “Madali ang lahat kung para ito sa pagmamahal sa anak. It’s easy if it’s for the love of your child. We love Ellie so much.”
Inamin din ni Andi na matagal na nilang napag-usapan ni Jake ang uri ng mga magulang na gusto nilang maging para kay Ellie. Kahit hindi sila ang nagkatuluyan, nanatili ang respeto at suporta nila sa isa’t isa bilang co-parents.