Advertisers
KAYA pala tinawag na ‘happy group’ ang mga negotiator ng ‘restitution’ diyan sa Office of the Ombudsman ay 70 percent (%) daw ang napupunta sa kanila. Ganun?
Matinding LAGAYAN pala ang nagaganap diyan. At malaki na ang kanilang kinita, sa pamumuno ni “NANANG” na siyang nagbigay ng GO SIGNAL para kausapin ang lahat ng ‘involved’ sa ghost flood control projects, kasama ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kaya wala na tayong narinig na update sa mga dapat kasuhan sa anomalyang yan, o’ di kaya’y bumagal na ang takbo ng kaso. Mas natrabaho pa ang kaso laban kina Senator Rodante Marcoleta at Senator Jinggoy Estrada. Kawawa naman ang mga ito. Tsk tsk tsk…
Eto ang siste, kapag kinausap na, ang isang akusado sa graft and corruption charges, nitong ‘happy group’ sa Office of the Ombudsman, ang offer ay magbalik nalang ng ninakaw nilang pera. At ano man ang halaga nito, 30 – 70 percent ang KANAAN.
30% ang madedeklarang babalik sa gobyerno at 70% naman ang sa kanila. Magiging state witness ka pa. Mawawala ka sa listahan ng mga akusado. Lupit noh? Matinding lagayan nga, at hindi talaga restitution. Pati gobyerno talo. Mismo!
Kung baga, halimbawang tatlong ‘Baka’ (bilyon) ang isasauli, Isang Baka (P1 bilyon) lang ang deklaradong babalik sa gobyerno. Grabe!
Ang galing ano? Yun ang akala ng ‘happy group’ na pinamumunuan nga ni NANANG at kinabibilangan nina Alfred K. Lao, mga palayaw na Rolle, Bayot. Jip, Weng at Susan.
Dahil ang sabi ng kaibigan nating batikan na abogado na si Atty Ferdie Topacio, ang nababalitaang ‘restitution’ na inaalok sa mga akusado sa ‘ghost flood control projects’ ng Office of the Ombudsman ay ‘di sinasaad ng batas.
Wala sa Witness Protection Law ang ‘restitution’ sabi ni Topacio dahil nakaw na pera nga na dapat ibalik ng buo. Kinukumpiska pa nga raw ang mga ari-arian ng mga korup na opisyal at dapat makulong.
Sabi ni Topacio, sa ganitong KANAAN, ang mga middlemen na kumita ay dapat din makulong. Parte na nga naman sila sa ninakaw na pera ng bayan…
***
HINDI na tinigilan ni Senador Ping Lacson si Sen. Alan Peter Cayetano.
Oo! Todo effort si Ping sa pagkalkal sa lihim ng Guadalupe. Higit P2 bilyon na nga raw ang nakita niyang nakana ni Alan sa kanyang mga proyekong depektibo at paulit-ulit na pinondohan. Araguy!
Maliban kay Ping, all-out din ang imbestigasyon ng NBI sa 2019 SEA Games fund anomaly.
Bilyones daw ang nakamal dito ni Cayetano at ilang kasabwat sa gabinete noon ni ex-President Rody Duterte.
Tahimik ngayon si Alan. Nag-iisip siguro ng mga palusot!