Advertisers

Advertisers

SENATE ENERGY PANEL, IKINASA ANG PAGDINIG SA HULYO 30; TULFO, NAIS ALISIN ANG ENERGY TAX AT SYSTEMS LOSS CHARGE SA KURYENTE BILLS

0 8

Advertisers

NAGHAIN si Senador Erwin Tulfo ngayong Martes ng mga panukalang batas na naglalayong alisin ang energy tax, tanggalin ang systems loss charge sa value-added tax (VAT) at imbestigahan ang kasalukuyang polisiyang nagpapasa ng dagdag-singil sa mga konsyumer.

Inihain ng chairman ng Senate Committee on Energy ang mga sumusunod na panukalang batas at resolusyon matapos ang direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA): Senate Resolution No. 537 – Resolusyon upang imbestigahan ang polisiya sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) hinggil sa pagpasa ng system loss charges sa mga konsyumer; Senate Bill No. 2239 – Panukalang batas na nagpapawalang-bisa sa BP Blg. 36 o “Energy Tax Law” at Senate Bill No. 2340 – Panukalang batas na naglalayong ibukod ang system loss charge sa saklaw ng VAT.

Ayon kay Tulfo, ipagpapatuloy ng tagapangulo ng Senate Energy Committee sa Hulyo 30 ang pagdinig ng komite sa mga panukalang naglalayong amyendahan ang EPIRA at iba pang mga panukalang may kaugnayan sa industriya ng kuryente.

“Sa Huwebes po, may hearing po ako, tamang-tama, about the amendments to the EPIRA Law. Isasama na po natin ‘yang systems loss,” aniya.

“Actually sa opening statement ko po last week, sabi ko, ‘Bakit china-charge sa tao ang systems loss? Dapat hindi.’ Saan ka naman nakakitang negosyo, icha-charge sa customer ang kalugian. I think that’s wrong. May gray area ang batas na ito. Kailangan po nating tapalan at ayusin,” dagdag pa ng Senador.

Bagama’t sinimulan na ng komite noong nakaraang linggo ang pagtalakay sa mga reporma sa 25-taong-gulang na EPIRA Law, nangako si Tulfo na paiigtingin nila ang pagproseso ng mga amyenda at nakikita niyang may posibilidad na maaprubahan ang mga ito bago matapos ang taon.

“Naka-first hearing na tayo. Second and third hearing then ibababa na po natin ito sa plenary for sponsorship. Siguro naman susuportahan naman tayo ng mga kasamahan natin because that’s what the people are asking,” dagdag pa nito. (JERRY S. TAN)