Advertisers

Advertisers

Eala tinalo si Zheng para umusad sa Mubadala DC Open

0 4

Advertisers

NAKABAWI si Alexandra Eala laban sa Chinese wild card na si Zheng Qinwen, 4-6, 6-4, 6-1, Martes (oras sa US) para simulan ang kanyang kampanya sa Mubadala DC Open sa Washington, USA.

Nanalo si Eala ng pitong sunod-sunod na laro para makuha ang ikalawang set at namayani sa pinal na set para siguraduhin ang panalo laban kay Zheng, dating No. 4 na ngayo’y No. 123 sa WTA Tour.

Ipinakita ng gold medalist sa singles ng 2025 Southeast Asian Games ang tiyaga at determinasyon sa lahat ng kanyang laban.

“I think it’s definitely a mindset that you have. That being said, I think it’s been trained or I’ve practiced. I’ve had more experience now to implement that mindset at the higher level,” sambit ng 21-year-old Eala sa WTA official website news release.

Susunod na haharapin ni World No. 28 Eala ang seventh seed na si Leylah Fernandez, na nagwagi ng 6-1, 6-4 laban sa Polish na si Magda Linette.

Si Fernandez, isang Filipino-Canadian, ang nagwagi sa torneo noong nakaraang taon matapos talunin si Anna Kalinskaya, 6-1, 6-2, sa final.

Samantala, ang Italian na si Elisabetta Cocciareto ay nagtagumpay laban sa Danish na si Carla Tauson, 4-6, 7-6 (2), 7-6 (2), para makapasok sa second round laban sa No. 8 seed na si Emma Navarro mula sa USA.

Si Navarro ay nakakuha ng first-round bye kasabay nina No. 1 Jessica Pegula ng USA, No. 2 Elina Svitolina ng Ukraine, No. 3 Naomi Osaka ng Japan, No. 4 Diana Shnaider, at No. 5 Anna Kalinskaya.

Ang sixth seed na si Madison Keys ng USA ay natalo kay Liudmila Samsonova, 6-3, 4-6, 4-6.