Advertisers
NASAWI ang lima katao sa sunog na sumiklab sa isang boarding house sa Sinalyasi Street, Barangay 8, Caloocan City, Linggo ng umaga, Agosto 2.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, kabilang sa nasawi ang isang 11-buwan na sanggol.
Naunang iniulat na apat ang bilang ng nasawi.
Sa ulat ng BFP, na-trap ang mga biktima sa nirerentahang bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy dahilan upang hindi na makalabas ang mga ito.
Umabot sa unang alarma ang sunog pasado alas-dose ng hatinggabi bago ideklarang fire out ang sunog 2:04 ng umagaw.
Hindi pa inilalabas ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang nagpapatuloy din ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog at lawak ng pinsala.