Advertisers

Advertisers

Direk Kristel Moreno, umani ng papuri mula sa cast ng PINASEXY CHALLENGE

0 4

Advertisers

By Camille Guarin

May bagong online entertainment show na tiyak na magiging usap-usapan sa social media!

Malapit nang mapanood ang PINASEXY CHALLENGE, isang exciting challenge series na magtatampok sa walong kilalang social media personalities na haharap sa iba’t ibang masaya, nakakakaba, at hindi inaasahang challenges na siguradong magbibigay ng saya at kilig sa mga manonood.

Kabilang sa mga tampok na personalidad sina Vanessa Raval, Queen Money, DJ Justine Joyce Dayag, Trixie Escosis, Tei Escosis, Aki Mitu, Nikkie Millares, at Eunice Andrea.

Sa ginanap na press conference sa Ayala Feliz, nakapanayam sina Aki Mitu, Trixie Escosis, at Eunice Andrea. Bukod sa excitement nila para sa nalalapit na premiere ng programa, ibinahagi rin nila ang kanilang naging karanasan sa taping at ang paghanga nila sa actress-director ng PINASEXY CHALLENGE na si Kristel Moreno.

Ayon kina Eunice, Aki, at Trixie, malaki ang naitulong ni Direk Kristel upang maging magaan at masaya ang kanilang trabaho sa set.

“Idol ko si Direk. Sobrang idol ko po siya at ang bait niyang direktor. Hindi mo mararamdaman na direktor talaga siya dahil parang tropa lang siya kapag kasama mo,” saad ng mga kalahok.

Bukod sa kanyang husay sa pagdidirek, pinuri rin nila ang pagiging approachable, palakaibigan, at supportive ni Direk Kristel sa buong cast.

Nagpasalamat din ang tatlo sa pagkakataong maging bahagi ng programa.

“Nagpapasalamat ako kay Direk sa experience. Sobrang nag-enjoy po talaga kami. Very grateful ako kay Direk dahil napaka-approachable niya,” dagdag pa nila.

Sa PINASEXY CHALLENGE, susubukin ang diskarte, tapang, at personalidad ng bawat kalahok sa iba’t ibang hamon. Bukod sa matinding kompetisyon, asahan din ang mga nakakatuwa at viral-worthy na mga eksena na siguradong aabangan ng online audience.

Ayon kay Direk Kristel Moreno, layunin ng PINASEXY CHALLENGE na maghatid ng sariwa at kakaibang digital entertainment na puno ng saya, excitement, at mga hindi inaasahang pangyayari na tiyak na magbibigay-aliw sa mga manonood.

Patuloy na ang countdown para sa opisyal na premiere ng programa. Kaya naman hinihikayat ang publiko na tutukan ang official social media pages ng PINASEXY CHALLENGE upang maging updated sa petsa ng paglulunsad at iba pang mga anunsyo.

***

Masayang ibinahagi ng aktres na si Barbie Imperial na sa halip na magdaos ng engrandeng birthday celebration, mas pinili niyang ibahagi ang kanyang mga biyaya sa kanyang dating paaralan, ang Maroroy Elementary School sa Bicol, kung saan siya nagtapos bilang valedictorian noong Grade 6.

Sa isang social media post, nagbahagi si Barbie ng video kung saan makikitang sa kabila ng malakas na ulan ay nagpatuloy pa rin siya at ang kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez sa pamamahagi ng school supplies, mga gamot, at pagkain sa mga nangangailangan sa Bicol.

Kalakip ng video ang mensahe ni Barbie,
“This year, I chose to celebrate my birthday at home.

“I always find myself going back to where I came from. Iba talaga ‘yung feeling dito sa Bicol. Mayon has a way of making me feel so calm. Every time I come home, ang saya-saya ng puso ko. Sobrang babait ng mga tao, sobrang sarap ng pagkain, and everything just feels so simple and soulful.

“Nagpapasalamat ako sa mga teachers ko noong grade school na naging pangalawang magulang ko. I was so lucky to have teachers who genuinely cared for me, believed in me, and helped shape the person I am today.

“Palaging lilingon sa pinanggalingan.

“I’ve always wanted to do this, to give back to my school and the teachers who helped raise me. And finally, I was able to make it happen with the help of the people I love.

“Thank you God for surrounding me with such amazing people and for allowing me to come home to this kind of love. Grabe ‘yung pagmamahal na naramdaman ko sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Sobrang swerte ko.

“To everyone who helped make this birthday so special, maraming maraming salamat.”

Good job, Barbie, and happy birthday!