Advertisers
By Beth Gelena
Late ang pasasalamat ni Wilbert Ross para sa mga nanood ng kanyang first concert, ngayon lang daw kasi nag sink in sa kanyang isip ang naganap nung dalawang gabi siyang nagtanghal.
Hindi sukat akalain ni Wilbert na magiging matagumpay ang kanyang concert na ginanap kamakailan sa New Frontier Theater. Dahil sa sold-out na mga tiket at sa kagustuhang mapagbigyan ang lahat ng kanyang mga tagahanga, nagdagdag pa sila ng isang gabi ng pagtatanghal.
Sa social media ni Ross isang mahabang mensahe siyang sinulat kung saan ay binalikan niya ang kanyang pinagdaanan bago naabot ang tagumpay.
Sinimulan niya sa pagpapakilala sa sarili.
“Hi, ako nga pala si Wilbert Rosalyn. Isang nangangarap mula sa Hagonoy, Davao del Sur.
Aniya, sa isang dekada na nagdaan siya ay isang probinsyano na sumuong sa Maynila para abutin ang pangarap. Sumubok sa iba’t ibang pagkakataon para magkaroon ng puwang sa industriya.
“Hindi naging madali ang aking pinagdaanan. Maraming pagsubok ang dumating, pero isang bagay ang hindi kailanman nawala—ang apoy sa puso ko at ang matinding kagustuhang maabot ang aking mga pangarap.
“Dati, baka isipin ng iba na isa lang akong dakilang ‘manifestor’ sa social media. Pero sa likod ng lahat ng iyon, tahimik kong binubuo ang bawat hakbang. Pinaghirapan ko ang lahat, pinag-isipan ang bawat desisyon, at naghanda para sa tamang panahon.
“At nang dumating ang pagkakataon… handang-handa na ako.
Ang dati’y pangarap lamang na makakanta sa isang malaking concert venue at marinig kayong sabay-sabay na umaawit ng mga isinulat kong kanta ay natupad na. “Mula sa puso ng isang probinsyanong nangarap, maraming-maraming salamat sa inyo na pumunta, nakiisa sa pag-awit, naiyak, at naging bahagi ng dalawang gabing hinding-hindi ko malilimutan. Kayo ang naging patunay na ang mga pangarap at manifestation ay puwedeng maging realidad. Maraming salamat sa inyong tiwala. Hanggang sa muli nating pagkikita at pagkanta!”
Pinasalamatan din niya ang lahat ng taong tumulong upang maisakatuparan ang kanyang concert—mula sa Viva Artists Agency, Viva Records at mga executives nito, sa kanyang handler at production team, direktor, etc., at sa lahat ng kanyang mga guest performers.
Personal din niyang pinasalamatan ang kanyang mga kaibigang sina Mika Salamanca, mga dating kasama sa Hashtags, si Bea Binene, at si Vice Ganda, na matagal nang naniniwala sa kanyang kakayahan at sa kanyang glam team, pamilya, mga kaibigan, higit sa lahat sa kanyang mga tagahanga—ang kanyang “Fanmily”—na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“Simula pa lang ito ng Team Wilbert! Congrats sa ating lahat!”
“It’s been 5 years since we broke up. U said after natin maghiwalay baka hindi mo kayanin kapag wala ako, but look at you now, little by little mo nang naaabot mga pangarap mo. Congrats, babe!” ani ng isang nagngangalang Farah Lopez.
“Bea Binene Wilbert Ross
Ikaw at si Bea ang isa sa pinakamalaking inspirasyon ko. Hindi lang basta kilig ang naibibigay n’yo sa akin, pati eyebags dahil sa rodeo dance mo! Hahaha.”
“i love how he mention “to THE bea binene”. . taas ng respect tlga nya sa isang bea binene. kala ko nga “to my” pero “to the” tlga big letters pa ang “THE”. ang galing. iba yun! with high respect and honor! hindi lang bsta loveteam. “