Advertisers

Advertisers

QUIBOLOY POSIBLE ISUKO SA US!

0 9

Advertisers

POSIBLENG ilagay sa ilalim ng kustodiya ng US Marshals si Pastor Apollo Quiboloy sakaling payagan ng pamahalaan ng Pilipinas ang kaniyang extradition sa Amerika.

Ito ay matapos kumpirmahin ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagpadala na ng pormal na extradition request ang gobyerno ng Amerika sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Ambassador Romualdez kung paano kukunin ng US Marshals si Quiboloy.



Ayon kay Ambassador Romuladez, may sariling eroplano ang mga US Marshal na lilipad patungong Pilipinas upang sunduin si Quiboloy.

Mula sa Pilipinas, ibibiyahe siya nang direkta patungo sa partikular na lugar sa Amerika kung saan isinampa ang kanyang mga kaso sa Los Angeles.



Bukod sa US Marshals, maaari ring makasama sa operasyon ang mga ahente ng Federal Bureau of Investigation (FBI) upang matiyak ang mabilis na paglilipat sa kustodiya ng Amerika.

Inilarawan naman ng ambassador ang kaso ni Quiboloy bilang isang high-profile international matter dahil sangkot dito ang mga alegasyon ng human trafficking at sex trafficking, na kabilang sa top law enforcement priorities sa buong mundo.



Ang hiling ng US ay unang ipinadala sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong Hulyo at pormal nang inendorso sa DOJ para sa legal na proseso.

Nahaharap si Quiboloy sa mabibigat na kaso sa US tulad ng sex trafficking, bulk cash smuggling, fraud, at racketeering.

Kasalukuyan namang nakapiit ang pastor sa Pasig City Jail para sa hiwalay na kasong qualified human trafficking at pang-aabuso na walang kaukulang piyansa.

Bagamat iginigiit ng kampo ni Quiboloy sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty. Israe-lito Torreon na walang madalian sa pag-extradite dahil kasalukuyan siyang humaharap sa mga lokal na hukuman, maaari pa ring matuloy ang extradition habang gumugulong ang paglilitis sa Pilipinas depende sa magiging desisyon ng DOJ at ng korte.