Advertisers

Advertisers

Mark Magsayo vs Cortes sa Garcia-Benn undercard

0 4

Advertisers

HAHARAPIN ng dating kampeon sa featherweight na si Mark Magsayo ang undefeated na Amerikanong si Andres Cortes sa isang 10-round na laban sa lightweight na magsisilbing pampagana bago ang main event nina Ryan Garcia at Conor Benn sa Setyembre 12 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas.

Ang laban ay magiging ikalawang pagsubok ni Magsayo sa ilalim ng Zuffa Boxing at ang pinakamahirap sa ngayon simula nang lumipat siya sa 135-pound na dibisyon.

Si Magsayo ay may dala ng propesyonal na rekord na 29 panalo, 19 dito ay knockout, laban sa dalawang pagkatalo at galing sa panalo sa ikalimang round laban kay Feargal McRory sa kanyang debut sa lightweight.

Ang 31-anyos na si Magsayo ay nagtaya ng limang sunud-sunod na panalo laban kay Cortes, na hanggang ngayon ay hindi pa nakakatikim ng talo sa kanyang perpektong 25-0 na rekord na may 13 knockouts.

“I’ve waited for a night like this my whole career. I signed with Zuffa to be on the biggest shows. Andres Cortes called me out, and I answered. He won’t have his ‘0’ after I get done with him,” wika ni Magsayo sa kanyang pahayag.

“Growing up in the gyms in Las Vegas, I dreamed of fighting on a platform like this in front of my people. The time has come.”

Si Magsayo ay kasalukuyang nasa No.6 sa International Boxing Federation habang No.10 naman sa World Boxing Organization. Si Cortes naman ay nasa No.12 sa World Boxing Association.