Advertisers

Advertisers

Alalay ng ‘Agila’ sa baha at habagat

0 32

Advertisers

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga Kuya, Ate, bunso at friends of Eagles na dumalo, nakiisa, at naglaan ng oras at lakas para sa ating Community Service sa Calumpit, Bulacan, bilang pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo at baha.

Isang tunay na pagpapatotoo ng ating adhikain na “Service Through Strong Brotherhood.” Sa pagkakaisa at malasakit ng bawat isa, naipakita natin na ang tunay na kapatiran ay higit pa sa samahan—ito ay pagkilos at paglilingkod sa nangangailangan.

Nahatiran ng tulong ang may 234 residente ng Bulacan na pawang naapektuhan ng ilang araw na pagbaha.



Maraming salamat at pagkilala sa ating Regional Governor Kuya Bong Reducindo, Vice Governor Kuya Mark Harvey Matta, Past Governor Kuya Ping Son, sa lahat ng Regional Officers, Club Presidents, at sa bawat club member-volunteers ng iba’t-bang Clubs ng Central Luzon Region-61 na nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang proyektong ito.

Bilang inyong Regional Club Secretary, kasama ng ating Ate Anna ay lubos kaming nagpapasalamat sa inyong suporta, pakikiisa, at malasakit.



Mabuhay ang Central Luzon Region-61!

Mabuhay ang The Fraternal Order of Eagles – Philippine Eagles, Inc.!



Mabuhay ang Agila!

Salamat, mga Kuya, sa isang matagumpay na proyekto na ating naisakatuparan nang sama-sama. Mabuhay kayong lahat!