Advertisers

Advertisers

8 huli sa ‘paihi’ sa Batangas

0 3

Advertisers

ARESTADO ang walong katao nang madiskubre ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang undocumented fishing vessel na hinihinalang ilegal na naglilipat at nagsasalin ng mga produktong petrolyo sa karagatan malapit sa Barangay Ma-kawayan, Tingloy nitong Sabado August 15, 2026.
Ayon sa PCG, na-monitor nila ang naturang sasakyang-pandagat na palutang-lutang malapit sa dalampasigan dahil umano sa problema sa makina.Nadiskubre ng mga awtoridad na walang kaukulang dokumento ang fishing vessel at ang mga karga nitong produktong petrolyo.
Tinatayang may kabuoang 5,000 litro ng diesel ang dala ng nasabing sasakyan pandagat 4,000 litro ang ideneklara bilang mga kargamento habang 1,000 litro ang para umano sa sariling konsumo ng fishing vessel.
Nagpapatuloy ang malalim na imbestigasyon ng PCG Legal Unit at Investigation and Detection Unit upang matukoy ang pinagmulan, may-ari, destinasyon at legalidad ng mga nakumpiskang diesel. Posible umanong maharap ang mga naarestong suspek sa paglabag sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act), National Internal Revenue Code provisions sa fuel marking, at Batas Pambansa Blg. 33, na may kaugnayan sa ilegal na kalakalan ng produktong petrolyo o Oil Smuggling.
Pansamantalang nasa kustodiya ngayon ng Philippine Coast Guard ang walong suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.(Koi Laura)