Advertisers
BINIGYANG-DIIN ni House Prosecutor Legal Spokesperson Atty. Benjamin Tolosa Jr. na unti-unti nang nabubuo ang buong kwento kung saan napunta ang confidential funds, sino ang kumuha nito, at paano idineklarang ginamit ang pera.
Sinabi rin ni Atty. Tolosa na ilang beses umanong inimbitahan sa Kongreso ang mga sangkot na indibiwal upang magpaliwanag tungkol sa paggamit ng pondo, ngunit hindi dumalo ang mga ito.
May mga dokumento ring sinubukan umanong pigilan ang paglalabas ng records sa Commission on Audit (COA).
Para kay Tolosa, mahalagang makita ng mga senator-judge at ng publiko ang buong larawan, lalo na ang umano’y pagtutol ng mga sangkot nang hingan sila ng paliwanag tungkol sa paggamit ng confidential funds.
Mahalaga rin ang pag-amin ni Gina Acosta na iniutos umano ni Vice President Sara Duterte ang pag-release ng pera kay Col. Dante Lachica, head security ng OVP.
Ayon kay Tolosa, malinaw sa pahayag ni Acosta ang umano’y chain of control sa confidential funds, lalo’t sinabi nitong hindi niya ilalabas ang pera kung walang utos mula sa Bise Presidente.