Advertisers
INAASAHANG madaragdagan ng 13 bagong pumping stations ang Metro Manila bago matapos ang taon o sa mga unang buwan ng 2027.
Ito’y ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng kanyang inspeksiyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City nitong Huwebes ng umaga.
Ayon kay Marcos, itatayo ang mga bagong pumping stations sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila bilang bahagi ng mga hakbang ng pamahalaan laban sa pagbaha.
Ilan sa mga proyekto ay target nang maipatupad bago matapos ang 2026, habang ang iba naman ay inaasahang makukumpleto sa unang bahagi ng susunod na taon.
Binigyang-diin din ng Pangulo na hindi sapat ang pagkakaroon ng malalakas na pumping stations kung hindi mapapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig.
Aniya, maaaring mawalan ng saysay ang malalakas na bomba kung mababarahan ng basura ang mga ito, kaya mahalaga rin ang wastong pagtatapon ng basura at pagpapanatili ng kalinisan sa mga waterways. (Gilbert Perdez)