Advertisers

Advertisers

Halos 7-K piraso ng ebidensiya itinurn-over ng ICC prosecutors sa defense team ni Digong

0 4

Advertisers

ITINURN-OVER na ng International Criminal Court (ICC) prosecutors ang karagdagang halos 7,000 piraso ng ebidensiya sa defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago pa man ang nakatakdang trial o paglilitis sa Nobiyembre 30.

Base sa notification ng prosekusyon ng disclosure of evidence mula Enero 7 hanggang Hulyo 31, kabuuang 6,909 na items of evidence ang ibinigay sa legal team ng dating pangulo, kung saan mayorya nito ay maaaring usisain ng depensa.

Sa nasabing bilang, nasa 4,573 ang ikinategorya bilang Rule 77 evidence na isang “tangible evidence” na maaaring inspeksiyunin ng depensa.



Nasa 2,279 naman ang itinuring na “incriminating evidence” o nag-aakusa sa dating pangulo kaugnay ng mga pagpatay sa kampanya kontra iligal na droga. Kasama rito ang mga dokumento tungkol sa operasyon ng barangay, mga tinarget na personalidad (high-value targets), at ang Davao Death Squad (DDS).

Habang ang natitirang 57 ay inuri bilang “potentially exonerating” evidence kabilang ang impormasyon na pabor sa depensa o maaaring magpahina sa kredibilidad ng mga saksi at isa pang set of information na nagpapakita ng “line of defense.”



Ang panibagong batch ng mga ebidensiya ay karagdagan sa naunang mga materyal na ipinasakamay ng prosekusyon sa depensa simula nang arestuhin si Duterte at pormal na kasuhan sa ICC ng crimes against humanity kaugnay ng pagpatay sa war on drugs noong Marso ng nakalipas na taon.

Sa ngayon, hawak na ng Trial Chamber III ng ICC ang mga dokumento at materyales para sa paghahanda ng paglilitis. Ang mga impormasyon at dokumentong ito ay patuloy na ikinukunsiderang confidential sa pagitan lamang ng dalawang panig ng korte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">