Advertisers

Advertisers

‘NAKAIDLIP’: SUV NI NIÑO MUHLACH, BUMANGGA SA TAO AT DALAWANG TINDAHAN

0 6

Advertisers

Isang lalaki ang nasugatan at dalawang establisyimento ang nasira matapos bumangga ang isang SUV sa gilid ng Marcos Highway, Brgy. Mambugan, Antipolo City noong Linggo ng tanghali.



Ayon sa mga ulat, ang sasakyan ay umano’y minamaneho ng aktor na si Niño Muhlach, na posibleng nakatulog habang nagmamaneho kaya nawalan ng kontrol ang sasakyan.

Ang biktima ay kumakain sa karinderya nang tamaan ng sasakyan. Tamaan din ang kanyang nakaparadang motorsiklo. Nasira rin ang isang barberya at sari-sari store na katabi ng lugar.



Dinala ang nasugatan sa United Antipolo Specialists Hospital para sa paggamot. Nakipag-ugnayan na rin umano si Muhlach sa mga may-ari ng nasirang establisyimento.

Patuloy pang iniimbestigahan ang nangyari. (Edwin Moreno)