Advertisers

Advertisers

Chesca Kramer pumalag sa online hate sa kanyang pamilya

0 5

Advertisers

  • Ni Anne Venancio

Diretsahang sinagot ni Chesca Kramer ang mga negatibong komento at paratang laban sa kanilang pamilya na kumakalat online.

Sa isang Instagram post, nagsalita ang celebrity mom tungkol sa umano’y toxic culture sa social media matapos silang tawaging “snobs” ng ilang netizens at akusahan na ginagamit ang kanilang mga anak para sa sariling interes.

May mga komento rin umano tungkol sa kanyang personalidad at pagsasama nila ng asawang si Doug Kramer.

Giit ni Chesca, hindi patas ang mga ganitong komento lalo na kung nagmumula ang mga ito sa mga taong hindi naman personal na nakakakilala sa kanilang pamilya.

“We live our lives without stepping on anyone. We don’t create drama, and we keep our family life protected from intrigue,” pahayag niya.

Nilinaw din ni Chesca na pareho silang nagtatrabaho ni Doug at may kanya-kanyang negosyo bukod sa kanilang advertising projects.

Ayon sa kanya, ang kinikita ng kanilang mga anak ay inilalagay sa sarili nilang bank accounts. Para naman kay Kendra, na 17 anyos na, siya na mismo ang namamahala sa kanyang account.

Sa halip na patulan ang online negativity, sinabi ni Chesca na mas pinipili nilang pagtuunan ng pansin ang parenting, marriage, family at faith.

Sina Chesca at Doug ay ikinasal noong 2008 at may tatlong anak na sina Kendra, Scarlett at Gavin.