Advertisers

Advertisers

Bagong mukha ng bayanihan sa QC… at refund P28 billion – C169!

0 6

Advertisers

Kulturang Pinoy ang kagustuhang tumulong – “Bayanihan” ‘ika nga ang tawag dito. Bawat Filipino sa tuwing sumasalanta ang bagyo na nagreresulta sa pagbaha, hindi ang kawalan ng kagustuhang tumulong ang problema ng mga Pilipino. E ano!? Ang nakikita ay kakulangan o ang kawalan ng organisadong sistema. Ibig sabihin, kailangan ang organisadong sistem upang ang mga ulat sa internet ay mabilis na maging saklolo.

At sa usaping ito, dito na nanguna ang hindi matatawarang progresibong pamumuno ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. Sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng QC Local Government Unit (LGU) sa LyfSaver—kasama ang mga convenor na sina Dingdong Dantes (YesPinoy Foundation), Atom Araullo (Fyt Media), at Voltaire Tupaz (Lyf Solutions), pinatunayan ni Mayor Joy na ang tunay na lakas ng lungsod ay nagmumula sa mismong pagkakaisa ng milyong QCitizens.

Sa ilalim ng inilunsad na proyektong ito, ang ulat ng bawat residente ay direktang nakakabit sa Helpline 122 at iReport. Sa halip na maghintay lamang sa aksyon ng pamahalaan, ginawang aktibong bahagi ni Mayor Joy ang bawat QCitizen na may smartphone bilang katuwang sa rescue operations.

Ano pa man, bagamat kinilala ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) bilang platform, pinaalalahanan naman ni

Tupaz na mas mahalaga pa rin ang human verification upang mapanatili ang tiwala at maiwasan ang maling impormasyon. Oo naman, iba pa rin ang ulat na magmumula sa inisyatiba mismo ng bawat QCitizen.
\
Habang binigyang-diin naman ni Dantes na ang sistema ang nagbibigay ng tamang direksyon sa likas na bayanihan ng Pilipino, habang ang suporta ng mga tulad ni Araullo ay nagpapatatag sa ugnayan ng media at komunidad.

‘Ika nga, hindi lang sinusukat ang isang “Smart City” sa makabagong pasilidad, kundi sa kakayahan nitong protektahan ang kaniyang tao.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakararami, mamamayan ng QC, karatig lungsod at bayan na sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte, ang Quezon City ay nagtakda ng bagong pamantayan – sa sistemang ito ay hindi ka lang basta naghihintay na iligtas sa tuwing may sakuna (and the likes) ‘ika nga at sa halip, mayroon ka nang partisipasyon —ikaw na rin mismo ay bahagi ng sistemang nagliligtas sa iyong kapwa.

***

Naiba naman tayo para sa mga motorista.

Ibalik sa taumbayan ang P28.56 bilyon! Iyan ang sigaw ng grupong Coalition 169. Wow! Napakalaking halaga nito ha!?

ano ba itong P28.56 – B? Saan nagmula ang nasabing halaga?

Anang grupo, ito iyong computer fee na kinolekta ng LTO mula sa mga nagparehistro ng sasakyan at iba pang klaseng transaksyon – ang computer fee ay nagkakahalaga ng P169. Dahil dito, sigaw ng grupo “Refund 169”!

Nararapat nang ibalik sa bulsa ng milyong-milyong motoristang Pilipino ang tinatayang ?28.56 bilyong pondo na kinolekta ng Land Transportation Office (LTO) at ng IT provider nitong STRADCOM.

Ito ang matinding panawagan ng Coalition 169 nang ilunsad ang kanilang pambansang kampanyang Refund 169.

Kung suriin my dear Fellow Filipinos, maliit na halaga ang P169.00 na mula sa bawat motorista pero, kung susumahin pala ito – sa milyong Pinoy na kinolektahan. Aba’y anang grupo batay sa kanilang komputasyon sa loob ng mahigit isang dekada – umabot na ito sa P58 billion. OMG!

Ayon sa tagapagsalita ng koalisyon na si Johnny Gomez, ang napakalaking halagang ito ay nagmula sa paulit-ulit na paniningil ng ?169.06 na “computer fee” sa tuwing magpaparehistro ng sasakyan o magre-renew ng lisensya.

Giit ng grupo, nagwakas na noong pang Pebrero 10, 2013 pa ang Build-Own-Operate agreement ng LTO sa STRADCOM, kaya wala nang legal na basehan ang patuloy na paniningil nito sa nakalipas na 13 taon.

Sabi nga ng grupo, ang bawat ?169.06 ay direktang bawas sa kita ng mga TNVS, MC taxi, at jeepney driver na araw-araw na kumakayod.

Kaugnay nito, binigyang-diin naman ni Gomez na karapatan ng bawat mamamayan na malaman ang katotohanan at mabawi ang pondong hindi naman dapat kinuha sa kanila.

Sa kasalukuyang nakabinbin sa Office of the Ombudsman ang graft complaint ng grupo. Hiling nila ay itigil agad ang paniningil ng ?169.06, i-freeze ang mga nakolektang pondo, at ganap na ibalik ang ?28.56 bilyon sa taumbayan. Ops, wala pa iyong interes diyan sa P28 billion ha. Magkano ba ang annual legal interest ngayon?