Advertisers
Mga lehitimong benepisyaryo ng 4Ps at Uplift program sa Barangay San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal ang napilitang mamili lamang sa isa sa dalawang ayuda, ayon sa ulat.
Ayon sa isang benepisyaryo, naantala ng mahigit isang linggo ang pamamahagi ng P2,000 sa ilalim ng Uplift. Sinabi ng mga namamahala na dahil daw ito sa panahon ng bagyo. Ngunit kamakailan, inutusan silang pumili — alin lang ang tatanggapin nila: 4Ps o Uplift?
Pinapirma rin sila sa isang dokumentong isusumite sa barangay MSWD.
Gayunpaman, nilinaw ni DSWD Central Media Relations Officer Imelda Vivar Cabigting: “Hindi po pwedeng mamili ang benepisyaryo. Ang Uplift na P2,000 ay dagdag na ayuda sa regular na tinatanggap nila.”
Panawagan ng mga benepisyaryo kay DSWD Secretary Wins Gatchalian: imbestigahan ang diumano’y gawaing ito ng MSWD at barangay sa Rodriguez, Rizal. (Edwin Moreno)