Advertisers
Ni Anne Venancio
Nagkaroon ng masayang bonding sina Isabel Oli at Heart Evangelista matapos makita ang aktres na dumalo sa isang event para sa brand ni Heart na Luxelle.
Sa post ni Isabel, makikita ang ilang masasayang sandali nila ni Heart habang nag-e-enjoy sa event. Ayon sa aktres, naging puno ng saya ang kanilang pagkikita, mula sa paglalaro at kuwentuhan hanggang sa kaunting skincare session.
Ibinahagi rin ni Isabel ang pagbati niya kay Heart para sa matagumpay na event, na nagpapakitang solid ang kanilang samahan.
Hindi lang si Isabel ang napapansing nakakasama ni Heart. Kamakailan, nakita rin ang asawa nitong si John Prats na kasama ang fashion icon sa ilang event at shooting.
Dahil dito, lalo pang naging usap-usapan ang posibilidad ng bagong proyekto para sa mga tagasuporta ng JoHeart o “Gummy Bears.”
Kinumpirma mismo ni Heart na may inihahandang proyekto para sa kanilang supporters. Kaya naman mukhang may bagong ganap na dapat abangan sa tandem nila ni John at game na game na ang fans sa comeback na ito!