Advertisers

Advertisers

Social media war nina Cayetano at Lacson mas tumitindi

0 10

Advertisers

HINDI pa rin nagpapaawat ang social media war sa pagitan nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senador Panfilo Lacson.

Si Cayetano sa Facebook livestream habang si Lacson naman ay posting sa X account.

Hinamon naman ni Cayetano si Lacson na maglabas ng ebidensya laban sa kanya, sa DPWH at Taguig kaugnay ng paratang na mga maanomalyang proyekto sa lungsod.



Giit pa ni Cayetano, tigilan ni Lacson ang theatrics at hayaan ang Ombudsman at mga investigative bodies na gawin ang kanilang trabahong magimbestiga sa isyu.

Inakusahan din ng senador si Lacson ng intimidasyon at pagbabanta sa mga testigo at mga ahensya na ginagawan na umano ni Lacson ng annnouncements.



Sinabi pa ni Cayetano, na-perfect na ni Lacson ang art ng political persecution o pag-uusig na kombinasyon ng demolition jobs, with hunts at trial by publicity na itinatago sa tila isang legal prosecution.

Sa naunang akusasyon, iginiit ni Lacson na higit P 3.7 billion na ang nasayang na public funds dahil sa maling paggamit sa mga completed at suspended na DPWH flood control at multi-purpose projects na iniuugnay sa diumano’y ilegal na reklamasyon ng Laguna lake na sakop ng Taguig City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">