Advertisers

Advertisers

CIF ng mga civilian gov’t. agency sa 2027 national budget aalisin na

0 8

Advertisers

WALA nang matatanggap na Confidential and Intelligence Funds (CIF) ang mga civilian government agency sa ilalim ng panukalang 2027 national budget.

Ayon kay Senador JV Ejercito, chairman ng Senate Committee on Finance kabilang sa hihigpitan ng Senado ang paglalaan ng CIF sa pagtalakay sa panukalang P7.2-trilyong pambansang badyet.

Gayunman, nilinaw ni Ejercito na hindi kasama ang Office of the President dahil ang Pangulo ang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines.



Binigyang-diin din niya na ang pagkakaroon ng confidential funds ay hindi nangangahulugang ligtas sa pananagutan ang isang ahensya.

Mananatiling umiiral aniya ang mga alituntunin at safeguards sa paggamit ng CIF upang matiyak na wasto at may pananagutan ang paggastos ng pondo ng bayan.



Kasabay nito, sinimulan na rin ng Senate finance committee ang masusing pagbusisi sa 2027 budget, kabilang ang plano nitong ipagbawal ang mga huling sandaling budget insertion sa bicameral conference at ilantad na lamang ang lahat ng amyenda sa plenary deliberations. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">