Advertisers
NAKAKABAHALA ang maagang panghuhusga para ituring na “Mastermind” si Leyte Representative at dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kontrobersyal na kasong flood control scam.
Ito ang mariing sinabi ni Atty. Ade Fajardo, tagapagsalita ni Rep. Romualdez, na aniya’y lubos na napakaaga pa para husgahan ang dating lider ng Kamara kungsaan nagpapatuloy pa ang ginagawang preliminary investigation ukol dito at hindi parin lubos na nahihimay ang mga ebidensya sa nasabing kaso.
Dahil dito, ikinatwiran ni Fajardo na ang ganitong akusasyon ay maaring pagmulan ng maagang conclusion o “prejudgement” sa kaso habang patuloy pang ini-evaluate ang mga kongretong ebidensya ng Office of the Ombudsman kaugnay ng nasabing isyu.
Nauna rito, hiniling ng mga abogado ni Rep. Romualdez kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mag-inhibit mula sa kaso kaugnay ng “April 22 letter”na may kinalaman sa kanyang public statements hinggil sa kaso. Subalit naniniwala ang defense team ni Romualdez na ang ganitong pahayag kabilang na ang paulit-ulit na sanggunian sa prosecution ay magdudulot lamang umano ng maagang panghuhusga o prejudgement laban kay Rep. Romualdez.
Nanindigan si Fajardo na madedetermina lamang sa gagawing preliminary investigation na kung mayroon mang sapat na ebidensya ay ito aniya ang magiging basehqn parq maidulog ang kaso sa korte.
Ibinabasura rin ni Fajardo ang naging posisyon ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang orihinal na pahayag ni Orly Guteza kabilang na ang mga pagbaliktad ng “Maleta boys”ay maituturing umano na matibay na ebidensya sa Office of the Ombudsman’s preliminary investigation kaugnay ng pagkakasangkot umano ni Rep. Romualdez sa maanomalyang flood control projects. (Henry Padilla)