Advertisers

Advertisers

Gerald Anderson aktor na, MVP pa!

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi lang pala sa pag-arte seryoso si Gerald Anderson. Kapag basketball ang usapan, ibang Gerald ang lumalabas, competitive, pursigido, at talagang ayaw magpatalo.

Bago siya naging bahagi ng showbiz, varsity basketball player na si Gerald noong high school. Kung hindi raw siya napunta sa industriya, posible umanong basketball player ang naging career niya.

Hindi rin naman niya binitawan ang pagmamahal sa sport. Sa Star Magic All-Star Games, agad niyang pinakita ang galing nang maging kauna-unahang Basketball MVP noong 2010. Hindi lang isang beses—marami siyang MVP awards na naiuwi, kabilang ang tatlong sunod mula 2011 hanggang 2013 at apat na magkakasunod mula 2016 hanggang 2019.

Naging highlight din ang mga laban niya kay Daniel Padilla, lalo na noong 2017 kung saan nagtala siya ng 42 puntos at muling hinirang na MVP.

Habang tumatagal, mas nag-level up pa si Gerald at sumabak sa semi-pro basketball, kabilang ang MPBL at iba pang tournaments.

Noong 2023, bumalik siya sa All-Star Games bilang playing assistant coach. Pagsapit ng 2024, kapitan na siya ng Team Star Magic at tumulong pigilan ang three-peat bid ng Team It’s Showtime.

Ngayong Agosto 23, haharap naman si Gerald at Team Star Magic sa Team GMMTV Thailand sa kanilang unang international matchup sa Mall of Asia Arena. Talagang walang “half-hearted” kay Gerald!