Advertisers

Advertisers

‘Ang Shupal!’ ani Dina sa taong nangutang kay Pingris

0 7

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nalokah nang hindi binayaran si Pingris nangutang muli, tinaggihan sing shupal!”: Dina Bonnevie, naloka sa kuwento ni Marc Pingris tungkol sa hindi nabayarang utang

Nagbalik-tanaw ang dating PBA star na si Marc Pingris sa isang karanasan kung saan nagpahiram siya ng pera sa isang taong nangangailangan ng tulong para makapagtrabaho sana sa ibang bansa.

Sa isang kamakailang episode ng talk show na “House of D,” ikinuwento ni Marc kung paano siya nagpautang nang may mabuting intensyon, ngunit kalaunan ay hindi niya nagustuhan paggamit sa perang ipinahiram niya.

“Ang pangit lang dun kasi minsan is pag pinautang mo na… minsan hindi mo alam yung paalam nila, hindi pala nila dun gagamitin,” esplika ni Marc.

“Sabi ko hindi ka na makakaulit sa akin,” dagdag niya.

Ayon kay Marc, may isang taong nagsabi sa kanya na kailangan nitong pumunta sa ibang bansa upang makahanapbuhay. Dahil gusto niyang makatulong, handa siyang sagutin ang ilang gastusin nito.

“May nagpaalam sa akin na mag-ibang bansa para makapaghanapbuhay, ganun… Tutulungan ko yan, mapa-passport man yan, sa mga ticket nila. Hindi ko alam na hindi na siya natuloy or hindi pala niya ginawa,” pagbabagi ng dating PBA player.

Kasama rin sa usapan si Kristine Hermosa, na nagtanong kung hindi na ba talaga naibalik sa kanya ang perang ipinahiram niya.

“ Tas hindi binalik? Or hindi man lang binalik?” tanong ni Kristine.

Kinumpirma naman ito ni Marc.

“Hindi na binayaran… parang ganun.”

Dito na hindi napigilan ng beteranang aktres at biyenan ni Marc na si Dina ang kanyang reaksyon.

“Hindi ka niya binayaran?” tanong ni Dina bago bumulalas:

“Ang shupal!”

Dahil sa diretsahan at nakakatawang reaksyon ni Dina, agad na nagtawanan sina Danica at ang iba pang kasama nila sa kuwarto.

Sa kabila nito, sinabi ni Marc na pinili niyang huwag nang magkimkim ng sama ng loob tungkol sa perang hindi na niya nabawi. Sa halip, natuto siya na kailangan din niyang magtakda ng hangganan kapag nagpapahiram ng pera.

Nang muli raw siyang lapitan ng taong iyon para manghiram, malinaw na ang naging sagot niya:

“Nung time ulit na manghihiram, sabi ko, ‘Ay no. Hindi na. Iba na, iba. Ayoko na,’” deklara niya .