Advertisers

Advertisers

JoshLia na-miss ang isa’t isa; Jennylyn Mercado nagpakitang gilas sa pagsayaw

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Halatang namiss nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang isat isa. Mang magkita sila aa noontime show.

Ang JoshLia ay muling magsasama sa upcoming movie Always Yours, Never Mine.

Bale yan ang follow-up movie nilang UnHappy For You na pinalabas 2024.

Reunion season na naman ito bago pa man tuluyang sumapit ang holiday season.

Back together on the big screen ang JoshLia para sa kanilang pelikulang AYNM.

Aminado sila na may mga bagay silang na-miss sa isa’t isa.

“Na-miss ko lang talaga si Julia. Na-miss ko siyang katrabaho, na-miss ko ‘yung presence niya, ‘yung mga jokes niya,” sabi ni Joshua.

Samantala, sinabi naman ni Julia, “Reuniting with him on the set is always something I look forward to.”

Hindi rin nagpahuli ang dalawa sa pagpapakita ng kanilang chemistry nang sabay silang sumayaw sa noontime show

Bukod sa JoshLia reunion, naging star-studded din ang tanghali dahil unang beses na bumisita sa programa si Jennylyn Mercado.

Pinahanga ni Jennylyn ang Madlang People sa isang performance ng kanyang newest single. Pero hindi lamang pagkanta ang kanyang ipinakita dahil napasabak din siya sa sayawan at sumabay sa “Oooh Lala Baby.”

Nakipag-aktingan din siya kay Ryan Bang, kaya naging mas masaya at sulit ang kanyang unang pagbisita sa programa.