Advertisers

Advertisers

BIR tatanggalin ang VAT sa system loss charge sa kuryente

0 8

Advertisers

INIHAHANDA na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagtanggal ng Value-Added Tax o VAT sa allowable system loss charge na kasama sa binabayarang electricity bill ng mga consumer.

Pahayag ng BIR, layunin nitong makatulong na kahit bahagyang mapababa ang singil sa kuryente.

Kasunod ito ng resolusyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na kumikilala sa system loss charge bilang government-mandated pass-through cost at hindi kita ng generation companies, NGCP at distribution utilities.



Paliwanag ni BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, hindi dapat pinapatawan ng VAT ang bahagi ng kuryenteng nawawala sa sistema at hindi naman aktuwal na nakakarating sa mga bahay o negosyo.

Maglalabas ang BIR ng Revenue Memorandum Circular para ipatupad ang VAT removal matapos ang kinakailangang 15 araw mula sa publication ng resolusyon ng ERC.



Nauna nang inalis ng BIR ang output VAT sa ilang government-mandated electricity charges, kabilang ang Lifeline Subsidy at Green Energy Auction Allowance.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">