Advertisers
TUMANGGING maghain ng plea si Senador “Jinggoy” Estrada sa P573 milyon na kasong plunder at graft laban sa kanya.
Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Estrada sa maanomalyang flood control projects.
Dahil dito, ang Sandiganbayan Fifth Division ang nagpasok ng ‘not guilty’ plea para sa senador nitong Huwebes, Setyembre 3.
Dumating si Estrada sa korte na nakasaklay, matapos magtamo umano ng punit sa kaliwang tuhod.
Nakakulong siya kaugnay ng alegasyong tumanggap ng kickback mula sa mga flood control project.