Advertisers

Advertisers

40 ang Gilas!

0 3

Advertisers

Pang- 40 ang Pilipinas sa latest na FIBA World ranking. Naungusan natin ang katatalo lang na Jordan (41) at ang kasama sa Asya na Egypt (42). Pero daig tayo ng mga karibal sa rehiyon na Australia (7) na pinakamataas sa bahagi natin ng mundo. Sinundan ang mga Aussie ng Japan (22), New Zealand ( 25), Iran (28), China (30) at Lebanon (33).

Una sa lahat ang Estados Unidos. Tapos ang Germany, France, Serbia at Canada.

Kailangan mapalakas natin ang national team umangat gaya ni Alex Eala.

***

Sabit ang NLEX Road Warriors sa malaking bahagi ng north expressway na nagdulot ng pasakit sa mga motorista. Sobra ang naging trapik na nangyari sa portion ng Pulilan at San Simon. Mahigit anim na oras tahakin ang pagitan ng dalawang exit.

Grabe ang galir ng mgq tao sa sinapit nila sa lugar. May viaduct na nga nguni’t hindi ito naging sapat sa lakas ng ulan na nataon pa sa high tide.

Natanong tuloy ni Ka Berong ang budget ng team nila sa PBA. Sa halip na pondo na gamitin sa koponan ay sana sa pag-improve na lang ng kalsada. Bale wala nga naman kung tutuusin ang gastos sa grupo ni Coach Jimmy Alapag.

Katulad ng sister team na Meralco Bolts. Hindi nga naman kailangan sa operasyon ang partisipasyon sa kauna-unahang play for pay league sa Asya.

Tiyak magkakaroon ng pagbabago sa paglahok nito sa basketball lalo at sososyo na sa NLEX ang pangkat ni Ramon S Ang.

***

Alam nyo ba na si Commissioner Walter Torres ng PSC ay isang Olympian?

Siya ang pambato natin sa fencing sa 1992 Olympics sa Barcelona. Iyan ang sport ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal.

Nasabi tuloy ang ganire ni Comm Torres nang maging espesyal na bisita natin siya noong Lunes sa OKS.

” Kung nabuhay pa si Rizal ng mahaba at kumatawan sa bansa sa fencing ay magwawagi siya. ”

Ang mga atleta natin ang mga bagong bayani ng ating lahi kaya binigyan diin natin yan nina co- host Lito Cinco at ating panauhin na sports official. Malaking karangalan ang hatid nila tulad nina Alex Eala, EJ Obiena at iba pa.

***

Dehado tayo sa basketball sa Asian Games.

Waiting pa sa medical clearance si Justine Brownlee, absent pa sina Kai Sotto, Dwight Ramos, AJ Edu at Juan Gomez de Leaño.

Sa totoo lang, Team B natin ang ipadadala sa Nagoya ngayong buwan.

Milagro kung madepensahan nila ang korona.