Advertisers

Advertisers

NBI KINASUHAN NG ‘NONBAILABLE’ CASE SI LEVISTE, PARAS, 5 PA

0 2

Advertisers

MAGHAHAIN ang National Bureau of Investigation (NBI) ng ‘qualified human trafficking’ charges sa Department of Justice (DOJ) laban kay Batangas 1st District Representative Leandro Leviste at anim pang indibidwal.
Ibinunyag ito ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag, nitong Biyernes, Setyembre 4.
Kasama rin sa mga sasampahan ng reklamo si dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras, talent manager na si “Ken” at apat na abogado mula sa Rondain and Mendiola Law Firm.
“Qualified human trafficking ‘yung ifa-file natin,” ani Matibag, kungsaan ang natu-rang kaso ay non-bailable.
Kaugnay ito ng umano’y “honey trap” plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Matatandaang nagsimula ang imbestigasyon matapos sabihin ni Ken na may pla-nong character assassination laban kay Recto, na umano’y gagamit ng apat na kanyang female artist upang maglabas ng mga gawa-gawang pahayag tungkol sa ilegal na droga at pakikipagtalik.
Ayon kay Ken, sangkot rito sina Paras at mga abogado sa pagpaplano at paggawa ng mga pahayag, habang si Leviste ang sinasabing financier.