BF ni Nadine nanawagan sa media outlet magpublic apology, ilabas ang tamang findings ng DENR-PRA sa Maison Bukana
Advertisers
- Ni Beth Gelena
Ibinahagi ni Christophe Bariou, businessman at may-ari ng Maison Bukana sa Siargao, na cleared na ang kanyang resort sa mga ibinibintang na paglabag matapos ilabas ng DENR-PRA ang resulta ng kanilang imbestigasyon.
Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng longtime partner ng award-winning actress Nadine Lustre ang mga findings ng government agency.
Ayon kay Christophe, ilang linggo matapos siyang magsalita tungkol sa umano’y korupsiyon sa Siargao, hinarap naman ng kanyang resort ang mga alegasyon ng illegal reclamation at environmental violations.
“The accusation travelled fast. The truth took months,” aniya.
Ano ang lumabas sa findings ng DENR-PRA?
Batay sa findings ng DENR-PRA, walang reclamation, walang encroachment lampas sa property boundaries, at walang sapat na factual basis para sa alegasyon laban sa resort.
Dahil dito, sinabi ni Christophe na naniniwala siyang maaaring bahagi ito ng isang smear campaign laban sa kanya matapos niyang magsalita tungkol sa umano’y political intimidation, harassment, at korupsiyon sa Siargao.
“Within weeks, serious accusations appeared against my resort and were amplified nationally before the investigation had established the facts. Political figures publicly pushed Maison Bukana’s supposed environmental violations at the level of the DENR Secretary,” he said.
Ibinahagi rin niya na nakatanggap siya ng “source information” na nagsasabing may external pressure sa DENR upang imbestigahan ang iba pang properties na konektado sa kanya at sa kanyang pamilya. Gayunman, sinabi niyang patuloy pa niyang bine-verify ang impormasyong ito sa pamamagitan ng official documents.
“Taken together, I believe this bears the characteristics of a politically motivated smear campaign. I am using my own case because it is documented. The principle is bigger than just a resort’s reputation: government power, environmental enforcement, and media scrutiny must be applied fairly and accountably to everyone,” he asserted.
Nanawagan din si Christophe sa ilang media outlets na maglabas ng public apology, ilathala ang official DENR-PRA findings, at itama ang mga nauna nilang posts tungkol sa kanyang resort.
“A free press is essential to democracy. A responsible press is essential to public trust. Those who hold others accountable must also be willing to correct themselves. If an accusation deserves a headline, the truth deserves one too,” he said.
“Let the evidence speak,” pagtatapos niya.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang mga kaibigan at supporters ni Christophe sa comment section ng kanyang post. Binati rin siya ng mga ito matapos lumabas ang findings na walang sapat na factual basis para sa mga alegasyon laban sa Maison Bukana.