Advertisers

Advertisers

MAYOR ISKO AT MPD CHIEF, NANGUNA SA JOINT INSPECTION BAGO ANG 2026 BAR EXAMS

0 4

Advertisers

Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Manila Police District o MPD Director PBGen. Atty. Arnold Santiago ang joint inspection kaninang madaling araw, Setyembre 6, sa University of Santo Tomas o UST* para tiyakin ang kaligtasan, seguridad, at maayos na pagsasagawa ng 2026 Bar Examinations.

Nasa UST si Domagoso bandang 4:30 a.m., isa sa mga testing sites sa Maynila, para personal na inspeksyunin ang mga paghahanda at tiyaking nakahanda na ang lahat ng kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga bar examinee, kanilang pamilya, at lahat ng personaheng naka-deploy sa lugar.

Ayon kay Domagoso, gagamitin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang lahat ng available na resources para suportahan ang pagsasagawa ng Bar Examinations ngayong taon.

“I wish the bar examinees, sana pumasa silang lahat. Sa mga magulang naman na nag-aalala sa kani-kanilang tahanan, pumanatag kayo. The entire resources of the City Government and MPD is in place para maging panatag ang Bar Examination ngayon 2026. Everything is in place. Sana maging abogado silang lahat. Kailangan natin ng maraming abogado sa bansa,” ani Domagoso.

Sa kanyang bahagi, sinabi ni Santiago na nag-deploy ang MPD ng halos 400 personnel para seguruhin ang dalawang testing sites sa Maynila.

“Kasalukuyan po meron tayong 180 na tao dito sa paligid ng UST. May dalawang gates tayo sa P. Noval at Lacson,” ani Santiago.

Sa UST, nasa 180 personnel ang naka-deploy, kung saan matatagpuan ang dalawang entry gates sa P. Noval at Lacson Avenue.

Samantala, 168 personnel naman ang naka-deploy sa testing site ng San Beda University, na ang mga itinakdang drop-off point ay sa Concepcion Aguila at J.P. Laurel Streets.

Nag-deploy din ng emergency responders ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Department o MCDRRMD sa pamumuno ni Director Arnel Angeles para agarang rumesponde sa anumang medical emergency sa panahon ng eksamen.

Naka-deploy din ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau o MTPB sa pamumuno ni Director Dennis Viaje para tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng mga testing site.

Nakiisa rin sa mga paghahanda ang iba pang departamento ng lungsod.

Ayon kay City Engineer Armand Andres, nagsagawa ng declogging operations ang Department of Engineering and Public Works o DEPW sa mga karatig na lugar at nagkabit ng malalaking tolda para sa mga personel ng pulisya na naka-deploy sa mga site.

Pinangasiwaan naman ni City Electrician Randy Sadac ang paglalagay ng karagdagang ilaw at pagputol ng mga sanga ng puno para mapabuti ang visibility at kaligtasan sa lugar.

Inaasahang aabot sa 13,441 examinees ang sasabak sa 2026 Bar Examinations. (Jocelyn Domenden)