Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Isang bagong hit Wattpad novel ang bibigyang-buhay ng Viva One sa adaptation ng Our Yesterday’s Escape, ang ika-anim at huling chapter ng patok na University Series ni Gwy Saludes na nakapagtala na ng mahigit 720 milyong views online.
Mula sa The Rain in España, na sinundan ng Safe Skies Archer, Chasing in the Wild, Avenues of the Diamond, and Golden Scenery of Tomorrow, mapapanood na sa wakas ang Our Yesterday’s Escape na nagsimula na nitong September 5 sa Viva One.
Nagbabalik sina Jairus Aquino at Nicole Omillo bilang Shan at Kierra, dalawang tao na magkaiba ang pinanggagalingan ngunit parehong may bigat na dinadala sa puso.
Si Kierra ay isang architecture student na, sa kabila ng isang mapait na karanasan, ay nananatiling bukas ang puso sa pagmamahal. Si Shan naman ay isang pyschology student na hindi naniniwala sa pag-ibig, kaya mas pinipili niya ang isang buhay na walang commitment at umiikot sa pagpa-party.
Nang sila ay magkakilala, mabubuo ang isang panandaliang affair na mauuwi sa isang kumplikadong relasyon na tatagal ng maraming taon. Sa paglipas ng panahon ay sabay nilang haharapin ang mga sugat ng kahapon habang kumakapit sa pangakong dala ng bukas.
Ngunit sa pagbabalik ng isang tao mula sa nakaraan ni Kierra, masusubukan sila ni Shan na ipaglaban hindi lang ang kanilang pag-ibig, kundi pati ang pagkamit ng katotohanan.
Ang serye ay mula sa direksyon ni Gino M. Santos, na kilala sa paggawa ng contemporary romance stories. Mula sa naunang University adaptations (Avenues of the Diamond, Safe Skies Archer) at romantic films (In Between, Men are From QC, Women are from Alabang, Ex with Benefits) na kanyang idinirek, dala niya ang kanyang husay at lalim para sa huling kabanata ng University Series.
Makakasama nina Nicole at Jairus sa cast ang ilan sa mga beteranong artista tulad nina Mon Confiado, Dominic Ochoa, Angelu de Leon, Anjo Yllana, Bernadette Allyson, Yayo Aguila, Michael Flores, Jan Marini, Cris Villanueva, at marami pang iba, kung saan ang bawat isa ay may mahalagang papel sa buhay nina Kierra at Shan.
Abangan din ng mga tagahanga ng University Series ang pagbabalik ng pinakamamahal nating Univerkada na sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Wilbert Ross, Jerome Ponce, Krissha Viaje, Gab Lagman, Hyacinth Collado, Aubrey Caraan, at Lance Carr.
Bilang huling kabanata ng University Series, ipapaalala ng Our Yesterday’s Escape na ang pinakamatapang na desisyon ay ang piliing maghilom mula sa nakaraan at muling buksan ang puso sa pag-ibig.
Huwag palampasin ang Our Yesterday’s Escape simula September 5 sa Viva One, na may bagong episode kada Sabado.
Pumunta sa www.vivaone.ph o i-download ang app at mag-subscribe sa App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.
Para sa the best of Filipino entertainment, bisitahin ang vivaone.ph.